Sabado, Oktubre 17, 2015

Ricky






CHOCO CHIPS

A must try.
Simple ang itsura ngunit di ang kanyang lasa
na mas nangingibabaw pa kapag na tunaw at humalo ang whip cream nito sa 

puro at malambot na yelo.
Meron itong choco bits, choco syrup, at gatas na nagdadag-dag ng iba pang lasa bukod 
sa pangunahing lasa nito. Sa unang inom ay malalasahan mo agad 
ang pinag halong gatas at tsokolate na mas sumasarap habang ito ay papaubos na :D


mahahanap 'to sa estrada st. harap ng De La salle Taft.
Go and grab some :D



Miyerkules, Oktubre 14, 2015

CALINAO

images (4).jpgDELUXE MILK TEA
by Happy Lemon

          Mula sa nangunguna sa milk tea ang Happy Lemon. Maraming  flavours at categories ng milk tea ang company na ito at isa sa natikaman ko ang Deluxe Milk Tea nagustuhan ko siya kase hindi lang tea ung malalasahan mo ung cocoa na naghahalo sa tea kaya mas tumatamis siya at kakaiba ung lasa.


          Masusugest ko talaga siya sa ibang tao dahil hindi lang sarap yung mkukuha nati kundi healthy rin ung sangkap ng tea. Marami rin mapipili ung mga tao na hindi pwede ng matatmis kaya’t pwede siya sa mga matatanda. Best for summer , pantawid uhaw at makakarelax talaga ang lasa niya. Available sa lahat ng tindahan ng happy lemon sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. 

                                                                      Mula kay Imeerome Calinao. 

calinao imee

images (2).jpg
Iced coffee
By NORITER Manila


          Ang numero uno sa mga estudyante, bakit? Dahil coffee base ito mas pabor sa mga nagsusunog  ng kilay sa pagrereview sa mga pagsusulit. Hindi lang ito coffee dahil nilagyan pa ng twist upang mas pumatok sa mga mamimili , may topping s pa ito na whip crean at oroe cookies.

          Marami pang exciting ang makikita ninyo sa coffee shop na ito. Student friendly talaga siya dahil ang interior design nito ay mga sticky notes para sa mag comments sa produkto o simpleng nararamdaman natin.mararamdaman mo rin ang peace dahil napakatahimik ng place kapag nasa loob kana. Sa ambiance at sarap ng kape na ito ay mapapabalik talaga ang sino man, kaya sa mga interesado subukan ninyo upang maramdaman niyo rin ang naexperince ko.  
                                                         -IMEEROME CALINAO

          

CALINAO

images.jpg
















Buko Pandan 
           
          Pamilyar tayo sa panghimagas na ito, makikita sa iba’t ibang handaan at matitikman. Ang simpleng panghimagas na ito nanaisin mong kainin kahit sa simpleng araw lang. Laging gumagawa ng Buko Pandan ang aking ina, kung kaya’t naging paborito ko na rin ito. 

          Ang malinamnam na gatas nito na may malambot na gulaman ang nagpapasaya sakin. Mas maeenjoy ninyo ito kung malamig dahil maaaring inumin ang sabaw nito. Dahil nga simple lang ito madali rin gawin at maari niyo ring subukan. Kailngn lng ng gulaman at gatas syempre ang nagpapasarap pa ang pandan na nagbibigay ng dagdag na sarap at amoy na makakahikayat na tikman ito. Hmmm simple lang diba? Subukan na upang matikman ang da best dessert in town... 

                                                    Ang blog na ito ay inihahandag ni Bb. Calinao.


Linggo, Oktubre 11, 2015

McCAFE COFFEE FLOAT- Cristina Soriano


                        McCAFE COFFEE FLOAT          

                



                   Isang malamig at may konting pait na kape na sa bawat sipsip ay hindi na mapipigilan, isang typical na kape ngunit may sarap na hindi makakalimutan kapag hinaluan na ng sorbetes sa ibabaw nito na siyang nagbibigay ng tamis sa mapait na kape, sorbetes na vanilla ang nagbibigay buhay sa isang karaniwang kape lamang at idagdag mo pa ang chocolate syrup na nagbibigay ng lasa, ng linamnam. Ako ay hindi mahilig sa kape ngunit noong natikman ko na ang COFFEE FLOAT ng McDonalds ay naging kabaligtaran na ngayon ay favorite ko na ang kape, isang malamig na kape na nakakapagpagising ng ating diwa kung tayo ay inaantok na, nagbibigay ng lamig kung tayo’y naiinitan na, pumapawi ng ating uhaw at higit sa lahat ay nagbibigay ng linamnam sa ating mga panlasa. Naalala ko pa nga ako lang ang naiiba ng inumin sa aming magkakaibigan tuwing kakain kami sa McDonalds, nagtataka sila kung bakit iyon lagi ang inoorder ko at nung natikman na nila, ngayon ay iisa nalamang ang lagi naming inoorder. Perpektong kombinasyon ito para sa akin paano pa kaya s mga Coffee Lovers. Nabigyan ng buhay ang isang simpleng kape sa gamit ng isang sorbetes. Sarap na di pagsasawaan at makakalimutan ang nag iisang McCafe Coffee Float.

                                                                                                              -Cristina Soriano

Lunes, Oktubre 5, 2015

Mechelle

#Oreo Cheesecake :)

Guys ..
Marapat na tikman nyo to!
one of the best desserts i've ever taste :)

along La Salle.
Noriter cofee & dream yung name
ng place ..

uhm,@ first aakalain nyong isa lang sya tipikal na
dessert's ? but take note, one of the best seller ito ng
Noriter :) bukod sa very relaxing yung place, sulit yung
ibabayad nyo! :)

yung chocolate nya at the top maihahalintulad natin sa Choc-o Cho-o na mabibili natin sa tindahan ng tayo'y bata pa, habang natitikman ko ito unti-unti kong nadidiskubreng yung cheesecake nya sa bandang gitna ay maihahalintulad sa Leche Flan na kalimitang inihahanda kapag may okasyon, sakto para sa panlasa ng mga tulad kong mahilig sa ganitong uri ng matatamis. na habang kinakain mo ito gugustuhin mo ng h'wag tigilan ang pagtikim nito. habang ang ilalim naman nito ay gawa sa dinurog na oreo cookies, hmm Sarap :) panlabas pa lamang na presentasyon nito tiyak nanaisin nyo ding matikman :) tiyak na magugustuhan din ito ng mga bata :)

para sa iba pang Dessert's na gusto ninyong matikman o malaman
sundan lamang ang aming Blogsite ..

Muli, Maraming Salamat <3

Linggo, Oktubre 4, 2015

Cristina

12084217_1007539412599799_1410745211_n.jpg

MINI BANOFFEE CAKE

Sa lahat na yata ng Cake na natikman ko etong Mini Banoffee Cake na ata ang pinakatumatak ang lasa sa isipan ko, yung matatawag kong “SARAP na di MAKAKALIMUTAN”  Mula sa toppings nya na Chocolate, Caramel at Icing na nanunuot sa sarap. Ang lasa ng chocolate na makakapag paalala sayo noong bata ka pa lamang na isang likha ng tao na pinakamasarap sa lahat, ang caramel na nagbibigay tamis at ang icing na lasang menthol na may kaunting tamis perpektong kombinasyon para sa toppings ng isang cake. At syempre ang pinakasorpresa na nilalaman ng cake na yan isang totoong saging na pinalibutan ng graham. Lasa na hindi mo na magagawa pang iexplain dahil mas gugustuhin mo nalang namnamin ang bawat sangkap nito. Graham na hinaluan ng saging na mas masarap pa kaysa sa lasa ng isang simpleng banana cake. Saging na siyang nagbibigay buhay sa lasa ng Graham. Napakaperpektong kombinasyon para sa isang maliit na Cake katulad nito mula toppings hanggang sa nilalaman manunuot ang kakaibang sarap, ang nag-iisang MINI BANOFFEE CAKE.





-CRISTINA SORIANO