
Lahat ng tao ay mahilig sa “dessert” o matatamis na
pagkain. babae, lalaki, bata man o matanda. Kaming magkakaibigan ay mahilig sumubok ng masasarap
na pagkain sa iba’t ibang lugar dito sa Manila, yung tipong abot kaya sa mga
estudyante. Paborito nmin ang ice
cream, cake, coffe, tea depende sa mood kung ano gusto namin kainin. We try to
hang out in café travel maganda ang ambiance nang lugar ,pwedeng magrelax ,
maghang out ang magkakaibigan, at
maggroup study.
Nagorder
ako ng kanilang best seller na dark
chocolate cake at café latte, ang ganda ng presentation ng cake nung naserve ,
tingin palang matatakam ka na sa cake, hindi mapaet hindi rin matamis, para sa
akin tamang tama lng ang lasa at bagay na bagay sa café latte. Ang soft nag
pagkabake ng cake tsaka sobrang gusto ko yung flavor na dark chocolate.
Nagkakahalaga ito ng 170 pesos mahal kung tutuusin pero para sa akin sulit yung
binayad ko dahil masarap at hindi tinipid sa sangkap sa paggawa sa cake.. Sa
aking palagay maraming estudyante at magkakaibigan ang mapapadalas pumunta sa
café travel From the scale of 1 – 5 star bibigayan ko sya ng 5 star dahil
satisfied ako sa service nila

Ilan sa mga
kilalang pahimagas sa ating bansa ay ang halo-halo kahit saan mang sulok n
gating bansa ay kilala ito at kahit sa mga kilalang restaurant ay meron nito..
tuwing sumasapit ang tag-araw halo halo ang madalas nating kainin para
guminhawa an gating pakiramdaman. Hindi ikakaila na marami ang gumawa ng
kani-kanilang bersyon sa paggawa ng halo-halo. Ano nga ba ang halo- halo? (From
tagalog halo ay “mix”). Na pinagsama sama ang iba’t ibang sangkap sa isang
bowl. Ang mga sangkap ay makapuno, beans, garbanzo beans, gulaman, nata de
coco, langka, sago, at kamote na nilagyan pa ng evaporated milk, sugar, letche
flan at ube upang maging katakamtakam ang halo halo.
Ang Razon’s
ay isa may pinakamasarap na halo-halo, ngunit hindi tulad ng iba na kompleto
ang mga sangkap na inilalagay. Sa Razon’s halo-halo ay may nilalaman na beans,
nate de coco, kamote, saging, gulaman , macapuno at ang nagpapasarap sa
kanilang bersyon ay ang evaporated milk dahil sa marami silang inilalagay.
Nilagyan din ng letche flan sa ibabaw para maging katakam-takam at malinam-nam
ang kanilang halo-halo, hindi tulad ng iba ay kakaunti lamang ang kanilang
inilalagay kaya naman nawawala ang kalidad ng kanilang produkto. Medyo mahal
ang presyo sa Razon’s kumpara sa iba pero para sa akin sakto lng ang halaga ng
ng halo-halo dahil hindi nawawala ang kalidad ng kanilang produkto. Kaya naman
hindi magaatubili na pumunta at bumili ang mga kustomer sa kanilang produlto
dahil masarap at kuntento sila sa mga produktong kanilang binibili.

Biko ay
isang tradisyonal na pagkain kilala ito sa matamis at malagkit na kakanin. Isa
ito sa mga pagkain na ipinagmamalaki ng ating bansa. Ang mga sangkap na tanging
sa Pilipinas din matatagpuan. Ang lutong biko ay sinangkapan ng malagkit na
bigas, pulang asukal upang ito ay maging matamis at masarap sa panlasa, gata at
anis para maging mabago ang biko. Inilalagay ito sa bilao na sinapinan ng dahon
saging, at hanggang sa ngayon patuloy
itong ginagawa at ang iba ay ginagawa itong negosyo dahil kilala itong pagkain.
Mura ito kung tutuusin at masarap.Naalala ko pa noong bata ako madalas
magluluto ng biko ang aking lola cleotilde para sa akin ito ang pinakamasarap
na biko na aking natikman, hindi ko na kailangan pang pumunta ng malayong lugar
para matikim ng ganitong uri ng pagkain. Ngayon kasi makakabili ka lamang ng
masarap na biko at iba pang kakanin sa Quiapo, Maynila.
Tuwing
linggo pagkatapos naming magtanghalian agad nya itong hinahain upang aming
pagsaluhang pamilya. Masayakami habang kumakain ng biko lalong lalo na kung
kasama mo ang iyong pamilya, nagtatawanan at kwentuhan habang kumakain.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento