Huwebes, Oktubre 1, 2015

revie

Creamy Fruit Salad
Nakakain na ba kayo ng simpleng salad? Alam ko naman na common na sa atin ang salad pero hindi lahat ng salad ay magkakapareho ang lasa, hitsura, ingredients at iba-iba ang pagkakagawa halimbawa macaroni salad, vegetable salad at kung ano-ano pa na maari nating matikman.
Ang Creamy Fruit salad na natikman ko ay iyong malalaki ang hiwa at karamihan ay matitigas ang prutas katulad ng mga prutas na pears, langka na medyo hinog at pakwan at iba pa na hindi ko na maalala. Ang fruit salad na ito ay tama lang ang tamis, hindi malapot kasi maraming cream ang nilagay.
 Diba kadalasan ang fruit salad ay yung malapot talaga, then nakakaumay kapag napadami ka ng kain kaya nga huwag masyadong kumain ng marami pero di ko naman sinasabi na huwag kang kumain, ang dapat lang ay yung tama lang at yung hindi masasayang kasi pag nagsayang tayo ng pagkain, sayang yung effort nung gumawa ng creamy fruit salad.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento