McCAFE COFFEE FLOAT
Isang malamig at may konting
pait na kape na sa bawat sipsip ay hindi na mapipigilan, isang typical na kape
ngunit may sarap na hindi makakalimutan kapag hinaluan na ng sorbetes sa ibabaw
nito na siyang nagbibigay ng tamis sa mapait na kape, sorbetes na vanilla ang
nagbibigay buhay sa isang karaniwang kape lamang at idagdag mo pa ang chocolate
syrup na nagbibigay ng lasa, ng linamnam. Ako ay hindi mahilig sa kape ngunit
noong natikman ko na ang COFFEE FLOAT ng McDonalds ay naging kabaligtaran na
ngayon ay favorite ko na ang kape, isang malamig na kape na nakakapagpagising
ng ating diwa kung tayo ay inaantok na, nagbibigay ng lamig kung tayo’y
naiinitan na, pumapawi ng ating uhaw at higit sa lahat ay nagbibigay ng linamnam
sa ating mga panlasa. Naalala ko pa nga ako lang ang naiiba ng inumin sa aming
magkakaibigan tuwing kakain kami sa McDonalds, nagtataka sila kung bakit iyon
lagi ang inoorder ko at nung natikman na nila, ngayon ay iisa nalamang ang lagi
naming inoorder. Perpektong kombinasyon ito para sa akin paano pa kaya s mga
Coffee Lovers. Nabigyan ng buhay ang isang simpleng kape sa gamit ng isang
sorbetes. Sarap na di pagsasawaan at makakalimutan ang nag iisang McCafe Coffee
Float.
-Cristina Soriano
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento