Huwebes, Oktubre 1, 2015

Shirwin kier

SHIRWIN KIER B. ANICIETE                                                 OCT 01,2015
BIBINGKA
Isang kakanin na ginawa mula sa galapong nilatagan ng dahon ng saging sa nagbabagang uling sa ibabaw at ilalim na may hiniwang keso at itlog na maalat Pinapahiran naman ng mantikilya, binubudburan ng asukal at pinaululutong ang ibabaw bago hanguin sa lutuan

Malapit na naman ang Pasko at ramdam na naman ang Simbang gabi pero ang kinagisnan ng mga Pilipino kapag simbang gabi ang bibingka  na napakasarap kumain pagkatapos mung magsimbang-gabi at mas masarap pa ito kapag bagong luto na may kasama pang niyog . Desyembre 16, ito ang unang araw nagsisimula ang simbang gabi napakalamig na ng panahon at gugustuhin mung bumili ng mainit na bibingka . Ito ang pinakahihintay at pinaka-espesyal na mga araw sa tuwing papalapit na ang kapaskuhan . Napakaraming kabataan ang makikita mung magsisimbang gabi na gustung-gusto magsimba kapag simbang gabi at syempre hinahanap din ang bibigka .Dito sa aming lugar maraming ngtitinda ng bibingka lalot na’t umpisa ng simbang gabi kasi nga naman patok sa mga tao kapag simbang gabi ang bibingka .


Kung gusto mo naman gawing negosyo kailangan mo ng puhunan kasi nga naman napakaraming kasangkapan ang gagastusin at kailangan alam mo ang tamang proseso at pagluto ng bibingka at importante rin ang iyong pagppwestuhan mas maganda rin na malapit sa simbahan na alam kagad ng mga tao 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento